Mt. Cristobal Traverse w/ Isko ng Skwater
Entry point: Sitio Parang, Brgy. Sta Lucia, Dolores
Exit point: Sitio Awas, Brgy. Sta Elena, San Pablo City
Mt. Cristobal "Devil's Mountain"
bakit ka nga ba binansagang Devils Mountain ? palaging nag lalaro sa aking isipan simula ng ikaw ay aking malaman, dun nalang ang aking pag hahangad na gustong maakyat ang bundok ng Cristobal, na binansagang Devil's Mountain, nakahanap ako ng event na aakyat sa bundok ng Cristobal (Feb.8-9) kaya naisipan kong sumama upang malaman sa aking sarili kung bakit tinawag itong Devil's Mountain, sa aming paglalakbay parehas lamang sila ng bundok na mahirap akyatin, at pag sapit ng dilim, ay lumalamig ang simoy ng hangin, walang kakaiba sa bundok na yun para sa akin, sumapit ang umaga at kami ay umahon na papuntang tuktok ng bundok, tuktok ng bundok na kung saan ito ang pinupuntahan, hanggang sa pag uwi namin, wala naman akong ibang naramdaman , ngunit masarap at masaya ang aking naranasan :)
| Kasama sa paglalakbay |
| Tagalog Outdoor Tribe (TAGOT TARP.) |
| Isko |
